Friday, July 16, 2010

Short blog entry (Day 18)

Wala na sigurong mas sasaya pa sa pagkakaroon ng taong makakasama mo habang-buhay. Yung alam mo na kahit pa gaano kapangit ang itsura mo, kahit na lumaki pa ng todo ang eyebags mo at magmukha ka ng matanda dahil sa dami ng problemang dala dala mo, may taong laging nasa tabi mo - taong mamahalin ka ng buong puso at makakaramay mo sa mga mabibigat na hamon ng buhay na pinupukol sayo.

Maswerte ako at binigyan ako ng pagkakataon na makilala ang isang natatanging tao na magbibigay ng lubos na kasiyahan sa aking buhay. Hindi ako naghahanap ngunit siya ay dumating. Hindi na ko umaasa ngunit siya ay sadyang binigay sa akin. Wala na akong mahihiling pa. Kumpleto na ang buhay ko ng dahil sa kanya.

No comments:

Post a Comment